Xtreme
ni Roldan Castro
TUMBOK, September 9, 2006, p 6-7
TAMA bang patulan pa ng ex-housemate na si Bob dela Cruz ang isyung meron siyang gay lover at matronang nagsusustento sa kanya? Normal na lang sa showbiz ’yan. Ang ganitong issue ay pinagdadaanan ng halos lahat ng artista kaya hindi siya dapat paapekto.
At least, delicious pa rin si Kuya Bob para maugnay sa ganyang klaseng tsismis.
Hindi pa sanay si Kuya Bob kaya big deal sa kanya ang intrigang ito. Lalo’t pati pangalan ni Nene Tamayo ay nadadamay na kesyo nag-split sila dahil sa isyung ‘yan.
Nakatanggap kami ng press statement mula kay Kuya Bob airing his side tungkol sa latest intriga ngayon sa kanya. Sinadya naming hindi ilathala nang buo.
“Ako ay nalulungkot sa mga kasinungalingan na ito. Hindi ko lubos na maisip kung bakit at sino ang gumagawa nito. Meron ba akong atraso sa mga taoing ito na gustong sirain ang pangalan na iniingatan ko?
“Maaari kayang pulitika ang nasa likod nitong paninirang puri? Hindi pa man ako nagpapahayag na tatakbo sa susunod na eleksyon, mukhang gumagana na ang black propaganda laban sa akin.
“Ayaw ko sanang patulan ang isyu ngunit masyado nang below the belt ang mga paninira nila. Mabuti sana kung kinukuha nila ang aking pahayag bago sila maglabas ng kasinungalingan.
“Kung ako lang, kaya ko ang mga intriga ngunit ako ay nag-aalala para sa mga mahal ko sa buhay at sa mga taong naniniwala sa akin. Sila ang higit na nasasaktan kaya ngayon ay binabasag ko na ang aking katahimikan.
“Tahasan ko pong sinasabi na hindi totoo na ako ay may gay lover at matrona.
“Wala man akong regular show at hindi man ako laging nakikita na nagge-guest sa TV, meron din naman akong mga raket na pinagkakakitaan ko. Marami ang makapagpapatunay na meron akong mga out-of-town shows at hosting assignments sa mga public at private affairs. At meron naman po akong savings galing sa mga kita ko kahit papaano kasi hindi naman ako maluho. Simple lang ang pamumuhay namin.
“Malinis ang konsensiya ko at taas-noo akong nakakalakad kasi alam ko, wala akong tinatapakang tao. Wala akong ginagamit na tao. Kung anuman ang meron ako, ito ay nakuha ko sa sipag at tiyaga.
“Sa mga naninira sa akin, alay ko sa inyo ang pagmamahal at pang-unawa. Sa mga nagmamahal at naniniwala sa akin, maraming salamant, pinatitibay n’yo ang loob ko”
Tsuk!
|