Error creating feed file, please check write permissions.
 
BOB DELA CRUZ Online
HOME arrow ARTICLES arrow Bulgar, 11/19/2006: Cristy Fermin on Bob
Bulgar, 11/19/2006: Cristy Fermin on Bob
Monday, 20 November 2006
Most Wanted
ni Cristy Fermin

BULGAR
November 19, 2006 p. 9


Wala kaming nakikitang maganda noon kay Bob dela Cruz, negatibo ang dating niya sa amin, sa lahat ng housemates ng unang sultada ng Pinoy Big Brother ay siya lang ang pinagsaraduhan namin ng pintuan an aming puso.

Si Uma na kinainisan din noon ng mga manunulat ay maagang nakapagtayo ng tulay sa pagitan nito at ng mga reporters, napag-iwanan si Bob, pero hindi siya lang ang maaaring managot sa naganap.

Maraming beses nang nagtangka si Bob na ilapit ang kanyang sarili sa amin, pero kami ang umiiwas, hanggang hindi niya nalilinaw sa amin ang naging ugat ng aming hidwaan ay mananatiling singlamig ng yelo ang pakikitungo naming sa kanya.

May tamang pagkakataon para sa lahat ng bagay, may sagot ang bawat tanong, at may kakambal na paliwanang ang mga bagay-bagay na malabo.

Nu’ng Biyernes nang hapon ay itinayo na ang tulay sa pagitan namin ni Bob, wala nang mga barahang nakataob ngayon, tinanggap naming ang kanyang paliwanag kasabay ang panghihingi ng paumanhin sa mga panahong nagdamot din kami ng tenga sa kanya.

Hanggang sa napagkuwentuhan na namin si Nene Tamayo, tapos na pala talaga ang maliligaya nilang araw, pero nananatili pa rin silang magkaibigan.

Meron siyang negosyo ngayon, isang water refilling station sa mismong lugar nila sa Marilao, Bulacan, at mas malamang ang posibilidad na hindi siya tumakbo sa darating na eleksiyon dahil naranasan na niyang mabigo sa hindi makatarungang dahlia at paraan.

Maraming salamat sa kasamang Jobert Sucaldito na patagilid na ”ibinenta” sa amin si Bob dela Cruz, kaya naging possible ang aming pagkakasundo, maraming salamat sa pagpapakumbaba ni Bob na tumpat naman sa aming puso na hindi na kailangan pang ilaga para lumambot lang.

Marami kaming hahabulin ni Bob, marami pa kaming pagkukuwentuhan, at nagbitaw kami ng salita sa kanya na kung nakapananakit man kami ng damdamin ay marunong din naman kaming gumamot.

< Previous   Next >
  home         1-task      contact us
HOME
PROFILE
CAREER
KTEXT JOURNAL
KTEXT ARCHIVE
ARTICLES
GALLERY
VIDEOS
LINKS
SHOUTBOX

GUESTBOOK
FANS' CORNER
ADVANCED SEARCH
Administrator
SUBSCRIBE
Subscribe in a reader
Subscribe to Bob dela Cruz Online by Email
DISCLAIMER
The comments and opinions found in this website belong to the persons who posted them and do not necessarily reflect the views of Bob dela Cruz nor of the site administrator.
STATISTICS
Visitors: 276102
users online
SITE UPKEEP
Residencia Boracay (Residencia de Tirol)

SITE CREDITS

Managed by:

Contributors:
Ta J
William & Lanie

Hosted by:

Powered by:


Designed by:
SiteGround web hosting Mambo templates
 

http://bobdelacruz.com/bobilicious, Powered by Mambo and Designed by SiteGround web hosting