BANDERA - 8/28/2006 - page 9
Nakakaloka! Hindi pala totoong naging mag-dyowa itong PBB stars na sina Nene Tamayo at Bob dela Cruz? Naku, ito ang sinabi sa amin ni Bob during the birthday-prescon na ibinigay sa kanya ng Star Magic at sa iba pang contract artists nilang nagse-celebrate ng kanilang birthday this month.
Juice ko! Hindi pala totoo ang mga naglabasan noon na mag-dyowa na ang dalawa? Puro chika lang daw ito pero ang totoo super close friends lang daw sila. At hindi rin daw true ang tsismis na du’n na siya nakatira sa napanalunang bahay ni Nene sa PBB. Hindi raw sila nagli-live-in, pero inamin niyang kung minsan ay nakikitulog siya doon.
O, ayan ha, sa mga nagtatanong kung sina Bob at Nene pa rin, never naman daw naging sila. Pero until now ay super friends pa rin sila ni Nene. Anyway, nag-celebrate ng birthday si Bob last August 9 at happy naman daw siya sa mga nangyayari ngayon sa kanyang life. Dahil bukod sa kanyang showbiz career ay maganda rin daw ang takbo ng negosyo niya ngayon.
Nagkaroon din siya ng party sa Bulacan kung saan present ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Nandu’n sina Franzen Fajardo, Jason Gainza at si Nene nga. Ito actually ang first showbiz party ni Bob kaya naman super memorable ito para sa kanya.
Sa ngayon, pinag-iisipan pa rin niya ang pagtakbong vice mayor sa Marilao, Bulacan. Aminado siya na gustung-gusto niyang matulungan ang kanyang mga kababayan sa Marilao sa pamamagitan ng pagpasok sa pulitika. Kahit na raw natalo siya noong nakaraang eleksiyon kung saan tumakbong siyang councilor, hindi raw ito hadlang para ituloy niya ang maganda niyang hangarin sa Marilao, Bulacan.
Anyway, abangan niyo si Bob sa isang episode ng Star Magic Presents at sa iba pang shows ng ABS-CBN! ‘Yun na! - eas
|